Subukan ang paghahabi sa frame loom, at simulan na agad gamit ang pattern na hango sa Inabel traditional pattern, ang Kusikos. Sa 3-hour workshop na ito matututunan ang mga sumusunod:
-
Warping o ang paghahanda at pagbibilang ng mga vertical threads.
-
Plain Weave o ang paghahabi ng horizontal threads
-
Pagbabasa ng weaving draft at hands-on na masubukan ito sa paghahabi.
-
Twining Stitch para ma-secure ang top at bottom edges ng hinabing tela.
Ang workshop fee ay Php650 lang, promise! Mura ito dahil sinisikap nitong gawing accessible ang paghahabi. Bukod sa guided lessons, sa iyo na rin ang matatapos na project. Bilang suporta, pwedeng bumili ng weaving kit sa shop!
Bukas ito sa mga gustong matuto, bata man o matanda. Pls bring a friend! Kung nais i-register ang bata na 5 y/o to 8 y/o at hindi pa gaanong kayang maging independent ay mas suggested kong mag-register na rin ang guardian o magulang para magabayan nang sabay.
Limited lang ang slots kaya mag-register na agad, mag-message lang sa akin para sumali. Ang makihabi ay exclusive sa ngayon sa The Art of Yarn Studio, sa Kapitolyo Pasig.