Ang Plain Weave at Twill ay isang basic introduction sa weaving na may over-at-under motion para makabuo ng sample weave. Ito ang mga matututunan sa loob ng 3 hours:
-
Warping o ang paghahanda ng vertical threads
-
Plain Weave o ang paghahabi ng horizontal threads
-
Twining Stitch para ma-secure ang top at bottom edges ng hinabing tela.
-
Pagbuo ng Color Blocks para matutunan paano magpalit ng sinulid.
-
Twill o ang paghahabi na may sinusundang pattern sa over-at-under.
Ang workshop fee ay Php650 lang, promise! Mura ito dahil sinisikap nitong gawing accessible ang paghahabi. Bukod sa guided lessons ay sayo na rin ang matatapos na project. Bilang suporta, pwedeng bumili ng weaving kit sa shop!
Bukas ito sa mga gustong matuto, bata man o matanda. Pls bring a friend! Kung nais i-register ang bata na 5 y/o to 8 y/o at hindi pa gaanong kayang maging independent ay mas suggested kong mag-register na rin ang guardian o magulang para magabayan nang sabay.
Limited lang ang slots kaya mag-register na agad, mag-message lang sa akin para sumali. Ang makihabi ay exclusive sa ngayon sa The Art of Yarn Studio, sa Kapitolyo Pasig.