Introducing ang Shapes at Waves, isang medyo intermediate workshop sa pagbubuo ng images sa paghahabi. Yes, parang painting with yarns! Pero bukas pa rin ito sa beginner weavers! Ito ang mga matututunan sa loob ng 3 hours:
-
Warping o ang paghahanda at pagbibilang ng mga vertical threads.
-
Plain Weave o ang paghahabi ng horizontal threads
-
Pagsunod sa Cartoon o ang design na gagayahin sa paghahabi.
-
Interlock techniques na tumutulong i-dugtong ang mga woven shapes.
-
Twining Stitch para ma-secure ang top at bottom edges ng hinabing tela.
Ang workshop fee ay Php650 lang, promise! Mura ito dahil sinisikap nitong gawing accessible ang paghahabi. Bukod sa guided lessons, sa iyo na rin ang matatapos na project. Bilang suporta, pwedeng bumili ng weaving kit sa shop!
Bukas ito sa mga gustong matuto, bata man o matanda. Pls bring a friend! Kung nais i-register ang bata na 5 y/o to 8 y/o at hindi pa gaanong kayang maging independent ay mas suggested kong mag-register na rin ang guardian o magulang para magabayan nang sabay.
Limited lang ang slots kaya mag-register na agad, mag-message lang sa akin para sumali. Ang makihabi ay exclusive sa ngayon sa The Art of Yarn Studio, sa Kapitolyo Pasig.